LTO mas paiigtingin pa ang operasyon kontra colorum vehicles

LTO mas paiigtingin pa ang operasyon kontra colorum vehicles

Makikipagpulong ang Land Transportation Office (LTO) sa iba’t ibang law enforcement agencies para makabuo ng komprehensibong plano upang matuldukan ang operasyon ng colorum vehicles sa buong bansa.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, mas gagawing agresibo ang pagkakasa ng anti-colorum operations.

Sinabi in Mendoza, na 30 percent ang nawawalang kita kita kada araw sa mga lehitimong transport operators dahil sa naglipanang mga kolorum na sasakyan.

Simula pa noong Hulyo ng nakaraang taon ay aktibo na ang LTO sa anti-colorum drive nito.

Sinabi din ni Mendoza na palalakasin nito ang koordinasyon sa ports authorities para matiyak na ang mga kolorum na sasakyan ay hindi magagawang makapag-inter-island travel gamit ang mga Roll On, Roll Off o RoRo vessels. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *