Pang. Marcos nasa US na para sa trilateral meeting kasama sina President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida
Dumating na sa Joint Base Andrews Airport si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang trilateral meeting sa Japan at United States.
Dumating si Marcos sa US 7:47 ng umaga ng Huwebes (Apr. 11) oras sa Pilipinas.
Nakatakdang makipagpulong ang pangulo kina US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Sesentro ang pulong sa pagpapanatili ng seguridad at freedom of navigation sa South China Sea.
Magkakaroon din ng hiwalay na bilateral meeting si Marcos at Biden. (DDC)