Pinoy na nasugatan sa sunog sa Hong Kong, maayos na ang kondisyon – DMW
Nasa maayos nang kondisyon ang Pinoy na kabilang sa nasugatan sa sunog na naganap sa Hong Kong.
Ang naturang Pinoy ay kabilang sa nasugatan sa sunog sa isang 16-storey residential building kahapon.
araw ng Miyerkules (Apr. 11)
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) dinala ang Pinoy sa Princess Margaret Hospital at doon ginamot sa natamo nyang minor injuries.
Nabatid na nasugatan ang Pinoy sa kanyang kanang braso sa ginawa niyang pagbasag sa glass door para makalabas.
Binisita ng kinatawan mula sa Migrant Workers Office Hong Kong (MWO-HK) sa ospital para alamin ang kondisyon nito.
Mananatili pa ito sa pagamutan at patuloy na imomonitor ng MwO ang kanyang kondisyon.
Ayon sa MWO-HK ang naturang Pinoy ay permanent resident na sa Hong Kong Special Administrative Region. (DDC)