Mga nagtatrabaho sa gobyerno binawalang gumamit ng “wang-wang”

Mga nagtatrabaho sa gobyerno binawalang gumamit ng “wang-wang”

Ipinagbawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagtatrabaho sa gobyerno na gumamit ng sirens, blinkers at mga kahalintulad na device.

Ito ay bunsod ng lumalalang sitwasyon ng traffic sa Metro Manila.

Sa Administrative Order No. 18 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nagiging talamak ang paggamit ng “wang-wang” na nagdudulot din ng traffic disruptions at hindi rin ito ligtas sa road at traffic environment.

Exempted sa kautusan ang Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), fire trucks, hospital ambulances at iba pang emergency vehicles.

Sa ilalim ng AO, inatasan ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang ahensya ng gobyerno na i-review, i-regulate, at i-update ang kasalukuyang polisiya at guidelines upang epektibong maipatupad ang AO 18. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *