PDL at sibilyan timbog sa buy-bust ops sa Zamboanga City

PDL at sibilyan timbog sa buy-bust ops sa Zamboanga City

Naaresto ang isang person deprived of liberty (PDL) at kasama nitong sibilyan sa joint buy bust operation na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDL) at Bureau of Corrections (BuCor) sa Zamboanga City kahapon.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Kerwin Mohammad Abadilla mula sa minimum security at Albadir Mala Ajijul, alyas Jun-Jun, isang sibilyan.

Pinuri naman ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.

Aniya isa ito sa mga rason kung bakit lumagda ang BuCor sa memorandum of agreement ng PDEA at iba pang law enforcement agencies para sa sabay-sabay na mga operasyon laban sa drug trafficking sa correctional at prison facilities and penal farms sa BuCor.

Sa inisyal na report na isinumite kay Catapang ni San Ramon Prison and Penal Farm Superintendent, Corrections Chief Inspector Vic Domingo Suyat na ibinunyag nito na si Abdilla kasama ang 14 pang PDLs na inilabas sa Minimum Security Camp ng alas-7:00 ng umaga nitong Abril 9 para sa kanilang institutional assignments, sa limang ektaryang taniman ng gulay sa National Highway, Purok 6, Sitio San Ramon, Brgy. Talisayan, Zamboanga City bilang parte ng reformation program nang mangyari ang pag-aresto.

Agad namang sinjbak sa puwesto ang apat na BuCor officers na sina CSO4 John Hicap, CO2 Jimmy Wong, CO2 Joel Broncano at CO1 Marlon Hemandez habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon na isinasagawa ng SRPPF.

Ayon pa kay Catapang isa lamang ito sa maraming operasyo na isasagawa ng PDEA at BuCor upang maalis ang mga tiwalang tauhan ng bureau.

“Under our new battle cry of “Bagong Bucor sa Bagon Pilipinas” there is no place for misfit personnel and our collaboration with other law enforcement agencies was meant to curb the issue of proliferation of contrabands inside the corrections facilities despite our rigorous measures in place,” paliwanag ni Catapang.

Inutos na rin ng BuCor chief sa SRPPF na makipag-ugnayan sa PDEA upang matukoy ang nasa likod ng ganitong insidente.

Nabatid na narekober sa dalawang suspek ang hindi pa mabatid na halaga ng pinaniniwalaang shabu.

Dinala sina Abadilla at Ajjijul sa PDEA para sa booking at sumailalim sa inquest proceedings. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *