P2.28M na ilegal na droga nakumpiska; 55 drug personalities naaresto sa Metro Manila
Inanunsyo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Major General Jose Melencio Nartatez Jr. na umabot sa kabuuang P2,283,696 na ilegal na droga sa Metro Manila nitong nagdaang Abril 9 at 10.
Ayon kay Nartatez, bukod sa pagkakumpiska ng ilegal na droga, naaresto rin ang 55 na drug personalities at nabuwag ang drug-related activities sa rehiyon.
Sinabi ni RD Nartatez dahil ito sa heightened at strategic operations na isinagawa ng mga operatiba ng NCRPO sa buong Metro Manila.
Idinagdag pa ng ppisyal na nasa kabuuang 35 na operasyon ang naisagawa ng mga pulis na nagresulta ng pagkakarekober ng mahigit P2-milyong halaga ng droga at naaresto ang mga suspek. (Bhelle Gamboa)