Las Piñas Sanggunian nagsagawa ng ika-77 na regular session
Tinalakay ng Sangguniang Panlungsod ng Las Piñas sa pamumuno ni Vice Mayor April Aguilar ang mga panukala sa pagpapatibay ng proyektong imprastruktura at mga serbisyo publiko sa ginanap na ika-77 na regular na sesyon kahapon.
Kabilang sa mahahalagang isyu na tinutugunan ang pagpapatibay sa Disaster Risk Reduction and Management for Health Plan, pagpapatupad ng Social Pension for Indigent Senior Citizens Program sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development, at kahilingan na mapataas ang buwanang pinansiyal na suporta sa mga pulis, bumbero at jail personnel o mga tauhan sa piitan sa lungsod.
Ikinonsidera rin ng konseho ang ilang kasunduan kasama na ang Memorandum of Agreement sa Emapalico Homes, Inc. para sa property development at pagsasaayos ng lokal na terminal ng tricycle at ng service contract ng Klad Sanitation Services Inc. para sa pamamahala naman ng toxic at hazardous waste.
Samantala iprinisinta ng konseho ang mungkahing taunang budget para sa mga barangay, mga isyung legal at pamamahala kabilang ang rekomendasyon na idismis ang reklamo laban sa isang barangay leader, bilang pagpapakita sa patuloy na isinasagawang mga hakbang upang epektibong tugunan at resolbahin ang hamon sa pamamahala sa lokal. (Bhelle Gamboa)