Pang. Marcos nakiisa sa paggunita ng pagtatapos ng Ramadan

Pang. Marcos nakiisa sa paggunita ng pagtatapos ng Ramadan

Nakiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Muslim community sa paggunita ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng buwan ng Ramadan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ito ay hindi lamang pagtatapos ng Ramadan kundi isang pagkakataon upang magbigay-daan sa mas disiplinado at mapagpalang pamumuhay.

Kasabay ng pagdiriwang, umaasa si Pangulong Marcos na ang mga Muslim ay magiging huwaran ng pagpapakumbaba, kapayapaan, at katatagan sa kabila ng mga hamon ng buhay.

Naniniwala rin si Pangulong Marcos na sa kabila ng mga pagkakaiba sa paniniwala at pilosopiya, magpapatuloy ang pagmamahalan at mananatiling iisa ang hangarin tungo sa kaunlaran at pagpapatatag ng bansa.

“Truly, the Festival of Breaking the Fast marks not only the culmination of Ramadan, but also the rededication of one’s journey towards a more disciplined, dignified, and gracious life,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“As you take to heart the insights from your devotion, may you become shining examples of humility, peace, and strength among our people as they overcome challenges and nurture their trust in the Almighty,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Matatandaang idineklara ni Pangulong nlMarcos bilang regular holiday ang paggunita ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadhan (Abril 10) sa pamamagitan ng Proclamation No. 514, batay na rin sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

Sa ganitong paraan, ayon sa Pangulo, mabibigyan pagkakataon ang sambayanan na makiisa sa mga Filipino Muslims sa paggunita ng nasabing okasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *