Mga gamot at bakuna panlaban sa Pertussis natanggap na ng QC LGU

Mga gamot at bakuna panlaban sa Pertussis natanggap na ng QC LGU

Dumating na ang dagdag na mga gamot at bakuna na binili ng Quezon City Local Government na panlaban sa apgkalat ng pertussis o whooping cough.

Ang mga gamot ay kinabibilangan ng antibiotics at 6-in-1 vaccine na panlaban sa Pertussis, Diptheria, Tetanus, Hepatitis B, Poliomyelitis, at Haemophilus Influenza.

Paalala ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga residente, pabakunahan ang kanilang mga anak.

Maaaring magtungo sa pinakamalapit na health center para mabakunahan ang bata at maiwasan ang sakit na pertussis. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *