Cebu-Negros-Panay sub-grid pinasinayaan ni Pangulong Marcos
Inaasahan ang mas stable na suplay ng kuryente Visayas kasunod ng pagbubukas ng Cebu-Negros-Panay (CNP) 230-kV Backbone Project sa Bacolod.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang ceremonial energization ng CNP araw ng Lunes (Apr. 8).
Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng matatag na power grid sa pag-unlad ng Region VI at VII.
Siniguro rin niya ang patuloy na suporta sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP at pribadong sektor para sa kinabukasan ng bansa.
“While the CNP is a major step forward, I implore all stakeholders in the Visayas to strategically identify suitable locations and host new baseload generation plants, as well as renewable energy and energy storage systems. This will bolster energy sufficiency and sustainability in Negros and Panay Islands,” ayon sa pangulo.
Ayon sa pangulo maituturing na “milestone” ang naturang proyekto para mas mapagbuti pa ang energy resilience at reliability sa bansa.
Makatutulong aniya ito para maresolba ang hamon sa power supply sa Negros at Panay sub-grids.
Malaking bagay din ang CNP para matugunan ang tumataas na demand sa enerhiya sa Western at Central Visayas dahil aabot na sa halos 16 million ang populasyon sa dalawang rehiyon. (DDC)