OFW na naospital matapos ang malakas na lindol sa Taiwan, inabutan ng tulong ng MECO
Tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Manila Economic and Cultural Office o MECO ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na naospital matapos ang malakas na lindol na tumama sa Taiwan.
Personal na inabot ni MECO chair Silvestre Bello III ang tulong-pinansyal na 10,000 New Taiwan Dollars kay Christine Gumahin.
Si Gumahin ay nawalan ng malay matapos ang malakas na lindol kaya dinala ito sa ospital.
Ayon sa MECO, ang tatlong iba pang OFWs na nasaktan dahil sa nasabing lindol ay makatatanggap din ng parehong halaga ng tulong. (DDC)