Pagkamit ng regional peace at pag-responde sa West PH Sea siniguro ni Pang. Marcos

Pagkamit ng regional peace at pag-responde sa West PH Sea siniguro ni Pang. Marcos

Nanindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi maaaring manahimik at magbulag-bulagan o magbingi-bingihan ang Pilipinas kaugnay sa nangyayaring tensyon sa West Philippine Sea.

Sa presentation of credentials n iJapanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ng pangulo na kailangan makahanap ng paraan para makamit ang regional peace at makaresponde sa aktwal na sitwasyon sa West Philippine Sea.

“When it comes to foreign policy and that we analyze geopolitics, this is the most important thing that we must find a way to keep it (WPS) at peace. That is what the Philippines will always work for,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“However, we also have to respond to the actual situation on the ground. They cannot cover our eyes and pretend that nothing happened,” dagdag ng Pangulo.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang tulong ng Japan hindi lamang sa equipment kundi maging sa training lalo na kung suportado rin ng mga bansang Australia, United States, Japan at South Korea.

Isa lang naman aniya ang layunin sa West Philippine Sea at ito ay ang masiguro na mayroong freedom of navigation at trade.

“That’s all we wish for and so we are happy that once we try to do that we have you as part of it,” pahayag ni Pangulong Marcos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *