DENR Sec. Loyzaga itinanggi ang isyung kinamkam ng kaniyang pamilya ang ekta-ektaryang lupain sa Palawan

DENR Sec. Loyzaga itinanggi ang isyung kinamkam ng kaniyang pamilya ang ekta-ektaryang lupain sa Palawan

Itinanggi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang mga akusasyong sangkot ang kaniyang pamilya sa land grabbing.

Sa alegasyon sa pamilya ni Yulo, kinamkam umano ng mga ito ang ekta-ektaryang forests at ancestral domains sa Coron at Busuanga Palawan.

Sa pahayag, sinabi ni Loyzaga na ang Busuanga Pasture Reserve ay pag-aari ng gobyerno.

Ang kaniyang pamilya aniya ay hindi kailanman nagkaroon ng interest sa nasabing property.

Umaasa si Loyzaga na matutuldukan na ang isyung ibinabato sa Yulo Family.

Ani Loyzaga, lumutang lamang ang nasabing mga alegasyon mula ng maupo siya sa DENR at magsimulang magpatupad ng mga hakbang para malinis at maisaayos ang ahensya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *