Batas na maghahati sa Bagong Silang sa Caloocan sa anim na barangay nilagdaan ni Pang. Marcos
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong batas na maghahati sa Bagong Silang sa Caloocan City sa anim na barangay.
Base sa Republic Act No. 11993, hahatiin ang Brgy. 176 o Brgy. Bagong Silang sa sumusunod:
– Barangay 176-A
– Barangay 176-B
– Barangay 176-C
– Barangay 176-D
– Barangay 176-E
– Barangay 176-F
Sa ilalim ng batas, inaatasan ang ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng plebisito sa Brgy. 176 sa loob ng 90-araw simula nang maging epektibo ang batas.
Iniuutos din ng batas ang pagtatalaga ng mga interim barangay officials kasama na ang Punong Barangay, pitong Sangguniang Barangay members, Sangguniang Kabataan Chairman, pitong Sangguniang Kabataan members sa bawat barangay.
Nabatid na ang mayor ang magtatalaga ng mga opisyal.
Magsisilbi ang mga opisyal hanggang sa mayroon ng mahalal.
“All newly created barangays shall be entitled to the National Allotment shares pursuant to Section 285 of Republic Act No. 7160, as amended, otherwise known as the Local Government Code of 1991,” saad ng batas. (DDC)