Malawakang pagdiriwang sa tagumpay ng BIDA program pinangunahan ni Abalos
Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang isang malawakang pagdiriwang ng tagumpay ng BIDA Program, sa pamamagitan ng ‘Lakad Kontra Droga, BIDA Tayong Lahat’ kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, na idinaos sa Pasay City.
Ayon kay Sec. Abalos na libu-libong mamamayan ang nakiisa sa naturang aktibidad.
Aniya lalong lumalaki at lumalakas ang mga puwersa na sumusuporta at nakikiisa sa ating adbokasiya upang wakasan ang ilegal na droga.
Inihayag pa ng kalihim na mahigit 60,000 katao ang nakilahok sa ating mas pinalawak na BIDA Program, sa pamamagitan ng ‘Lakad Kontra Droga’.
“Tulungan natin ang mga pulis, PDEA at ang NBI. Bawat isa sa atin ay may papel na ginagampanan para sugpuin ang droga. Mananalo tayo sa kampanyang ito sa pagtutulungan ng buong komunidad!,” ani Abalos.
Samantala naging mahalaga ang pagdalo nina BIDA Ambassador at dating Senador Manny Pacquiao, MMDA Chairman Romando Artes, Dangerous Drugs Board (DDB) Undersecretary Earl Saavedra, PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, Vietnam Ambassador H.E Lai Thai Binh at maybahay nitong si Ms. Nguyen Thi Thu Thuy, Apostolic Nunciature to the Philippines Rev. Archbishop Charles John Brown, Australian Embassy Detective Superintendent Brad Marden, US Embassy Deputy Director Luke Bruns, Dr. Oaki Fumiko, Lao PDR Embassy First Secretary & Deputy Chief of Mission Mr. Phetsamone Souliyavong, Malaysia Embassy Deputy Ambassador Fareed Zakaria, Singapore Embassy Deputy Chief Logaventhan Karuppannam, Thailand Embassy Minister Counsellor Narttaporn Nitimontree, USAID Deputy Health Director Dr. Yolanda Oliveros, National Project Chair of the Children’s First One Thousand Days Coalition Atty. Joey Lina, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, San Juan City Mayor Francis Zamora, Dasmariñas City Mayor Jennifer Barzaga, PCG-RADM Robert Patrimonio, DFA-ED Greg Marie Mariño, PAO Atty. Demiteer U. Huerta, iba pang mga opisyal at personalidad.
Panawagan ni Abalos sa publiko sama-sama at patuloy tayong magkaisa sa pagsugpo sa ilegal na droga.
Taos-puso rin niyang pinasalamatan ang lahat. (Bhelle Gamboa)