DMW nagbukas ng Help Desk para sa mga Pinoy sa Taiwan
Nagbukas ng Help Desk ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan na mangangailangan ng tulong kasunod ng pagtama ng malakas na lindol.
Maaari ding tumawag sa Help Desk ang mga pamilya sa Pilipinas ng mga OFW sa Taiwan kung nais nilang malaman ang kalagayan ng kanilang mahal sa buhay.
Para dito sa Pilipinas, mayroong itinalagang 5 landline numbers at isang cellphone number bilang 24/7 Hel Desk at Hotlines.
Maaari ding magpadala ng email sa 𝐫𝐞𝐩𝐚𝐭@𝐝𝐦𝐰.𝐠𝐨𝐯.𝐩𝐡
Nagtalaga din ng hotline lara sa mga nasa Taipei, Kaohsiung, at Taichung.
Sa datos ng Taiwan Ministry of Labor mayroong mahigit 159,000 na Pinoy sa Taiwan, sa nasabing bilang, 150,000 ang OFWs. (DDC)