P14.8M na halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa BOC sa unclaimed parcels sa Pasay City
Aabot sa mahigit P14.8 million na halaga ng ilegal na droga ang natuklasan ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa mga unclaimed parcels sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Ang isang parcel na dumating sa bansa noong January 19, 2024 galing ng Wilmington, California at idineklarang naglalaman ng “hardware”.
Nang isailalim sa inspeksyon ng mga otoridad, natuklasan na naglalaman ito ng 2,452 grams ng cocaine na tinatayang aabot sa P12,995,600 ang halaga.
Anim pang parcels sa CMEC ang natuklasang naglalaman ng 1,307 grams ng marijuana na aabot sa P1,829,800 ang halaga.
Ayon sa BOC, sasampahan ng kaso ang mga consignee ng nasabing mga kargamento. (DDC)