Forensic expert na si Dr. Erwin Erfe itinalaga ni Pang. Marcos biilang deputy chief ng PAO
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang forensic expert na si Dr. Erwin Erfe bilang bagong deputy chief ng Public Attorney’s Office (PAO).
Kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) ang appointment kay Erfe.
Papalitan ni Erfe si dating PAO deputy chief public attorney Silvestre Mosing.
Bago ang appointment, si Erfe ay nagsilbi bilang pinuno ng Forensic Laboratory Division ng PAO. (DDC)