BREAKING: Tsunami warning, itinaas ng PHIVOLCS sa mga dalampasigan ng bansa matapos ang magnitude 7.5 na lindol sa Taiwan
Nagpalabas ng Tsunami Warning ang Phivolcs kasunod ng magnitude 7.5 na lindol na tumama sa Taiwan.
Sa inilabas na Tsunami Warning ng Phivolcs, posibleng makaranas ng pagtaas ng alon sa coastal areas ng bansa na nakaharap sa Pacific Ocean.
Mahigpit na binilinan ang mga residente na lumikas sa mas mataas na lugar.
Narito ang mga lugar na sakop ng Tsunami Warning:
– Batanes Group of Islands
– Cagayan
– Ilocos Norte
– Isabela
– Quezon
– Aurora
– Camarines Sur
– Camarines Norte
– Albay
– Catanduanes
– Sorsogon
– Eastern Samar
– Northern Samar
– Leyte
– Southern Leyte
– Surigao del Norte
– Surigao del Sur
– Dinagat Islands
– Davao De Oro
– Davao Del Norte
– Davao Occidental
– Davao Oriental
Ayon sa US Geological Survey unang naitala ang magnitude 7.4 na lindol sa Hualien County sa Taiwan, 7:58 ng umaga ngayong Miyerkules, Apr. 3.
Nasundan pa ito ng malakas na magnitude 6.5 sa parehong lugar, 8:11 ng umaga. (DDC)