Malakanyang nakiisa sa paggunita ng World Autism Awareness Day

Malakanyang nakiisa sa paggunita ng World Autism Awareness Day

Nagpahayag ng pakikiisa ang Palasyo ng Malakanyang sa pandaigdigang komunidad sa pagdiriwang ng World Autism Awareness Day noong Abril 2.

Kasabay nito, hinikayat ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko na kilalanin ang mga kontribusyon ng mga Pilipinong may autism.

Gayundin, hinimok ng palasyo ang lahat na magbigay ng tamang suporta para sa mga may autism at maging sa kanilang mga pamilya.

“Ating ipagdiwang ang mga kontribusyon ng mga kababayan nating may autism, at itaguyod ang suporta para kanila at kanilang mga pamilya,” pahayag ng PCO.

Base sa datos mula sa Center for Disease Control and Prevention, ang autism spectrum disorder (ASD) ay isang kondisyon sa neurodevelopment na nagdudulot ng mga pagbabago sa ugali, kakayahan sa komunikasyon, at pakikisalamuha ng isang indibidwal.

Mahigit isang milyong Pilipino ang mayroong autism spectrum, kung saan isa sa bawat 100 Pilipino ang mayroong autism, sang-ayon na rin sa Autism Society Philippines. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *