3-minute chair exercise ng MMDA employees inilunsad
Inilunsad ng Health Sanitation Services Coordination and Assistance Division – Health Public Safety and Environmental Protection Office (HSSCAD-HPSEPO) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang three-minute chair exercise o “galaw-galaw empleyado para sa maayos na serbisyo” ngayong Abril 2.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, layunin nito na mai-promote ang active lifestyle at positibong work environment sa hanay ng mga kawani ng ahensiya.
Kapaki-pakinabang aniya ito sa physical at mental health ng mga empleyado.
Namahagi rin ng flyers ang mga personnel mula sa HSSCAD-HPSEPO habang isinasagawa ang flag-raising ceremony kahapon ng umaga.
Isasagawa ang three-minute chair exercise sa MMDA Head Office sa Pasig City mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing alas-10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. (Bhelle Gamboa)