Mahigit 2 milyon na pasahero bumiyahe sa mga pantalan noong Holy Week
Nakapagtala ang Philippine Ports Authority (PPA) ng kabuuang 2,066,036 na pasahero na bumiyahe sa mga pantalan simula March 22hanggang April 2, 2024.
Ayon sa PPA, mas mataas ito kumpara sa 18 million na pasahero sa parehong petsa noong nakaraang taon.
Sa ginawang monitoring ng PPA, narito ang limang pantalan na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga bumiyaheng pasahero:
1. PMO Mindoro – 213,036
2. PMO Batangas – 212,515
3. PMO Panay/Guimaras – 205,704
4. PMO Negros Oriental/Siquijor – 183,963
5. PMO Bohol – 178,726
Mataas din ang bilang ng mga pasahero na bumiyahe sa Davao, Marinduque-Quezon, Surigao, Bicol at Western Leyte/Biliran.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago naging mapayapa sa pangkalahatan at naging ligtas ang mga pasahero sa nagdaang Holy Week.
May naitala din namang ilang problema gaya ng hindi sapat na online booking o advance booking na ayon sa PPA ay agad ding natugunan.
Ayon kay Santiago, kumportable din sa mga terminal dahil airconditioned na, malinis ang mga palikuran, at may mga makakakainan. (DDC)