TRB iniimbestigahan na ang pagpalya ng RFID noong Holy Week
Nagsimula ng mag-imbestiga ang Toll Regulatory Board (TRB) sa aberyang naranasan sa RFID system na nagdulot ng traffic noong Holy Week.
Ayon kay TRB spokesperson Julius Corpuz, kinakalap na nila ang mga datos para matukoy kung gaano karaming RFID stickers ang pumalya.
Sinabi ni Corpuz na maraming posibleng dahilan sa pagpalya ng RFID kaiblang ang hindi na magandang kondisyon ng RFID sticker.
Una ng sinabi ng Kamara na magpapatawag ng imbestigasyon para matalakay ang usapin.
Noong Miyerkules Santo, matinding pagsisikip sa daloy ng traffic ang naranasan dahil sa pumalyang RFID sa NLEX.
May ilang sasakyan pa ang nasira at kinailangang i-tow dahil sa inabot ng matagal na oras sa traffic. (DDC)