Naitalang heat index sa 9 na lugar sa bansa umabot sa Heat Index

Naitalang heat index sa 9 na lugar sa bansa umabot sa Heat Index

Matinding init ang naranasan sa bansa sa unang araw ng buwan ng Abril.

Ayon sa datos mula sa PAGASA, siyam na lugar sa bansa ang nakapagtala ng “danger level” na heat index.

Narito ang mga lugar na nakapagtala ng mataas na heat index araw ng Lunes, April 1:

– Dagupan City, Pangasinan (45 degrees Celsius)
– Pili, Camarines Sur (44 degrees Celsius)
– Roxas City, Capiz (44 degrees Celsius)
– Aborlan, Palawan (43 degrees Celsius)
– Dumangas, Iloilo (43 degrees Celsius)
– Catarman, Northern Samar (43 degrees Celsius)
– Baler, Aurora (42 degrees Celsius)
– Iloilo City, Iloilo (42 degrees Celsius)
– Cotabato City, Maguindanao (42 degrees Celsius)

Paalala ng PAGASA, ang heat index na umaabot sa “danger level” ay maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion.

Kung matagal na malalantad sa matinding init ng araw ay maaari ding ma-heat stroke. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *