P2M shabu nakumpiska sa Taguig drug bust

P2M shabu nakumpiska sa Taguig drug bust

Nakumpiska ng otoridad ang tinatayang 305 na gramo ng umabo’y shabu na nagkakahalaga sa P2,074,000 at naaresto ang dalawang high-value targets sa ikinasang buy-bust operation sa MLQ Street, Barangay Lower Bicutan, Taguig City kamakailan.

Ang mga suspek ay kinilalang sina alyas Sojod, 20-anyos at alyas Mando, 22-anyos.

Narekober ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station sa koordinasyon ng MPU at SS9 personnel ang anim na pakete na naglalaman ng sinasabing ilegal na droga,coin purse, paper bag, at buy-bust money.

Sasampahan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawabg suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office.

“The apprehension of two high-value targets and the seizure of a significant quantity of suspected shabu demonstrate our resolve to uphold the law and protect our citizens from the dangers of drugs,” pahayag ni Southern Police District Director, Brig. General Mark Pespes. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *