Police Major General Rommel Francisco Marbil itinalaga ni Pang. Marcos bilang bagong PNP chief
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Papalitan ni Marbil si Police General Benjamin Acorda Jr. na natapos ang termino noong March 31, 2024 kasunod ng kaniyang pagreretiro.
Ayon sa Malakanyang epektibo kay Marbil ngayong Lunes, April 1, 2024.
Si Marbil ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1991.
Inanusyo ang appointment kay Marbil sa idinaos na change of command at retirement honors kay Acorda sa Camp BGen Rafael T. Crame sa Quezon City.
Si Marbil ay naging pinuno ng Directorate for Comptrollership ng PNP at nagsilbi din bilang Regional Director ng Police Regional Office 8 (PRO-8). (DDC)