Sultan Kudarat, bird flu-free na ayon sa DA
Idineklara ng bird free ng Department of Agriculture (DA) ang Sultan Kuradat.
Dahil dito ay pinapayagan na ng DA ang pagbiyahe ng manok, bibe, at iba pang poultry products sa loob at labas ng probinsya.
Ang deklarasyon ay ginawa ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. matapos na mag-negatibo na ang resulta ng test sa ginawang surveillance activities.
Unang nakapagtala ng kaso ng highly pathogenic avian influenza subtype H5N1 sa Tacurong City at sa mga bayan ng Isulan, Lebak, Lutayan at President Quirino noong March 2022.
Naapektuhan ng bird flu sa lalawigan ang mga bibe, native at layer chickens, turkeys, guinea fowls at gansa. (DDC)