Sorpresang inspeksyon isinagawa sa mga bus terminal; ilang driver isinailalim sa drug test

Sorpresang inspeksyon isinagawa sa mga bus terminal; ilang driver isinailalim sa drug test

Bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Maayos Semana Santa 2024, nagsagawa ng inspeksyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang bus terminals sa Quezon City.

Pinangunahan nina MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana, DILG Usec. Felicito Valmocina, MMDA Asst. General Manager for Operations Angelo David Vargas, at ilang tauhan mula sa PDEA ang inspeksiyon.

Nagsagawa din ang PDEA at ang medical team ng MMDA ng random drug testing sa mga driver ng bus.

Ininspeksyon din ang mga bus ng Baliwag at Five Star.

Naghanda ang MMDA ng 2,274 traffic and emergency personnel para italaga sa mga pangunahing lansangan, bus terminals, at mga bisinidad ng mga simbahan.

Mayroon ding naka-standby na mga ambulansya at tow trucks sa ilang lugar sa Metro Manila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *