P1.134B na pondo para sa toration ng mga Heritage School Buildings inaprubahan ng DBM

P1.134B na pondo para sa toration ng mga Heritage School Buildings inaprubahan ng DBM

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P1.134 bilyon para sa pondo ang Department of Education (DepEd) para sa Conservation and Restoration ng Gabaldon School Buildings at iba pang Heritage School Buildings.

Ang Gabaldon School Buildings, o kilala rin bilang Gabaldons, ay mga heritage school buildings sa Pilipinas na itinayo noong panahon ng kolonyalismo ng Estados Unidos.

Nagmumula ang inspirasyon ng kanilang arkitektura sa tradisyunal na bahay kubo (nipa hut) at bahay na bato (stone house).

Sa kasalukuyan, mayroong 2,045 Gabaldon Schoolhouses sa buong Pilipinas.

Ayon kay DBM Secretary Mina F. Pangandaman mahalagang ma-preserba ang Gabaldon School Buildings at iba pang heritage structures.

Sakop ng alokasyon ng pondo ang mga sumusunod na rehiyon:

– Cordillera Administrative Region
– CARAGA
– National Capital Region (NCR)
– Rehiyon I, II, III, IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI, at XII

Kasama sa proseso ng restoration ang pagpapabuti sa site, pagsasaalang-alang sa kaligtasan at integridad ng gusali, at pag-alis ng mga sagabal at hindi ligtas na mga istraktura sa paligid ng gusali ng Gabaldon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *