Outbreak ng Pertussis idineklara na rin sa Iloilo City
Nagdeklara ang Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng oubreak ng Pertussis o whooping cough sa buong lungsod.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng Health and Sanitation Cluster batay na din sa datos ng City Health Office.
Ang City Health Office ay nakapagtala ng 15 kasi ng hanggang noong March 25, kung saan 7 dito ang kumpirmado na at 8 ang suspected.
Sa pamumuno ni Iloilo City Mayor Jerry P. Treñas, ipinasa ng CDRRMO ang dalawang resolusyon – ang una ay ang deklarasyon ng outbreak sa Pertussis at ang ikalawa ay ang resolusyon na nagrerekomenda sa Sangguniang Panlungsod (SP) para magdeklara ng state of calamity.
Ayon kay Treñas kakailanganin ng pondo mula sa calamity fund para matugunan ang outbreak.
Sa ilalim ng deklarasyon inaprubahan din ang panukalang budget na P16-million para makapagpatupad ng hakbang laban sa Pertussis.
Malaking bahagi ng pondo ay gagamitin sa pagbili ng mga gamot at bakuna. (DDC)