Pasok sa tanggapan ng gobyerno suspendido na mula alas 12:00 ng tanghali ng Miyerkules Santo
Suspendido ang trabaho sa gobyerno simula alas 12:00 ng tanghali sa Marso 27.
Base sa Memorandum Circular No. 45, ito ay para mabigyan ng oportunidad ang mga empleyado ng gobyerno na makauwi sa kani-kanilang probinsya para makapagnilay sa Semana Santa.
Sa memorandum na inilabas ng Malakanyang, tuloy naman ang serbisyo sa mga tanggapan sa gobyerno na nasa basic at health services.
Kabilang dito ang mga nagtrabaho sa ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa pagresponde sa kalamidad.
Ipinauubaya naman ng Palasyo ng Malakanyang sa oamunuan ng mga kumpanya ang pagsuspendi sa trabaho sa pribadong sektor.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang circular noong Marso 25, 2024. (DDC)