DOTr Sec. Bautista nag-inspeksyon sa Manila North Port Passenger Terminal
Pinangungunahan din ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang pag-iinspeksyon sa Manila North Port Passenger Terminal Lunes Santo, ika-25 ng Marso 2024.
Sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG) Command Center mula hatinggabi hanggang alas sais ng umaga ng Lunes ay umabot na sa humigit-kumulang 50,000 inbound at outbound na pasahero ang naitala sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
Ang monitoring sa mga bumibiyaheng pasahero ay bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024.
Inaasahang mas lalo pang dadagsa ang bilang ng mga pasaherong bibiyahe sa mga pantalan.
Tiniyak naman ng PCG ang patuloy na pagbabantay ng kanilang mga tauhan para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero. (DDC)