Heightened alert nagsimula ng umiral sa mga paliparan sa bansa

Heightened alert nagsimula ng umiral sa mga paliparan sa bansa

Isinailalim na sa heightened alert ang lahat ng 44 paliparan sa bansa sa ilalim ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Tatagal ang pagtaas ng alerto hanggang sa March 31 kaugnay ng pag-iral ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 ng Department of Transportation (DOTr).

Inatasan ng CAAP ang lahat ng service chiefs at airport managers sa mga paliparan sa bansa na magpatupad ng 24/7 operations, direktang communication lines, at ‘no leave policy’ para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Naglagay na ng Malasakit help desks sa mga paliparan at mayroon ding medical teams ang naka-standby para sa emergencies. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *