1,000 PDLs ng Bilibid inilipat sa Occidental Mindoro at Davao Del Norte

1,000 PDLs ng Bilibid inilipat sa Occidental Mindoro at Davao Del Norte

Isang libong persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang inilipat na sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro at sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao Del Norte ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Iniulat ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na isang PDL ang pansamantalang inilipat sa SPPF matapos makumpleto ang kanyang medikal na gamutan mula sa NBP Hospital at nakalabas na kaya ibinalik na sa naturang piitan sa Occidental Mindoro.

Sa 500 PDLs na bagong lipat sa Mindoro, 400 rito ang mula sa Reception and Diagnostic Center (RDC), 49 naman sa maximum society compound, at 52 sa medium security compound sa Bilibid kasama ang naturang inmate na galing sa nabanggit na pagamutan na pawang ligtas na nakarating sa SPPF kagabi.

Ayon pa kay Catapang, ang RDC ay responsable sa klasipikasyon ng bawat PDL na dinadala sa BuCor na unang tinutukoy muna base sa banta ng seguridad at sentensiya o hatol nito.

Nagsisilbing holding area ang RDC kung saan isinasagawa ang psychological evaluation at iba pang pagsusuri ng pag-uugali ng PDL bilang paghahanda sa kanilang reformation treatment program.

Samantala unang inilipat ng BuCor ang 500 PDLs mula sa Bilibid patungong Davao Prison and Penal Farm sa Davao Del Norte kung saan isinakay sila sa 15 na bus.

Ang PDLs ay iniskortan ng 144 na corrections officers na galing ng medical personnel, SWAT at Escort Team sa pamumuno ni CSInsp Roberto Butawan habang umasiste rin ang pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police at ng Armed Forces of the Philippines.

“The transfer of PDLs from various operating prisons and penal farms is also part of our preparation for the closure of the NBP,” sabi ni Catapang said.

Pag-aaralan din ng BuCor chief ang posibilibidad na after-care program ng PDLs na nakalaya na mula sa correction facilities.

Sa 2028 inaasahang isasara ng BuCor ang NBP. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *