BASAHIN: Semana Santa Travel Tips sa NAIA
May payo pamunuan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga biyahero upang maging maayos ang kanilang biyahe ngayong Semana Santa.
Sa inilabas na Travel Tips ng Manila International Airport Authority (MIAA), pinayuhan ang mga biyahero na sundin ang mga polisiya kaugnay sa baggage allowance at maaga ng gawin ang pag-check in ng airline baggage.
Dapat ding alam ng mga pasahero kung ano ang mga ipinagbabawal dalhin sa bagahe at ang ipinatutupad na limitasyon sa pagdadala ng liquids, aerosol at iba pa.
Dapat ding handa na ang mga departure requirements.
Para masiguro, mas mainam din na i-check muna ang flight status at terminal assignment.
Para sa mga may biyahe abroad, dapat dumating sa NAIA 3-oras bago ang flight, at 2-oras naman kapag domestic.
Maaari ding mag-check in online gamit ang mobile app o website para makakuha na ng digital boarding pass.
At bago umalis ng bahay, pwede ng sagutan ang eTravel registration sa https://etravel.gov.ph
Una ng sinabi ng MIAA na inaasahang aabot sa mahigit 1 milyon ang pasaherong dadagsa sa NAIA ngayong Semana Santa. (DDC)