FAKE NEWS: Link na sinasabing nagtataglay ng listahan ng 4Ps peke ayon sa DSWD
Hindi totoo ang Facebook post na nagsasabing ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naglalabas ng listahan para sa payout ng Panwatid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa nasabing post, may link na ibinabagi at sinasabing maaaring tignan doon ang listahan ng mga kasapi ng 4Ps para sa payout.
Ayon sa DSWD, ito ay paglabag sa Data Privacy Act of 2012.
Paalala ng ahensya, huwag basta-basta maniwala sa mga ibinabagi sa social media at huwag mag-click ng mga hindi beripikadong link.
Para sa mga updates at programa ng DSWD, bisitahin lamang ang opisyal na social media accounts at website ng ahensya pati na rin ang Facebook page ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. (DDC)