6,000 residente sa Ilagan, Isabela naserbisyuhan ng LAB for All

6,000 residente sa Ilagan, Isabela naserbisyuhan ng LAB for All

Aabot sa halos 6,000 na pasyente sa Ilagan, Isabela ang nakinabang sa Lab for All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa Lahat program ni First Lady Liza Marcos.

Personal na nagtungo ang unang ginang sa Ilagan para ipaabot ang serbisyo ng gobyerno.

Libreng konsulta at gamot ang ibinibigay sa caravan.

Ayon kay First Lady Liza, pagtupad ito sa pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng maayos na serbisyo publiko ang taong bayan.

Nasa 1,500 na rehistradong pasyente naman ang binigyan ng grocery at packed meals.

Bukod sa medical services, may libreng legal assistance at scholarship programs na ibinigay sa mga estudyante.

Pangako ng unang ginang, dadalhin ang caravan sa mga kasuluk-sulukang lugar sa bansa para mabigyan ng libreng serbisyong medikal ang taong bayan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *