Philippine Army pinaghahanda ni Pang. Marcos sa banta sa soberanya ng bansa
Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine Army na maging handa sa iba’t ibang uri ng banta sa soberanya ng Pilipinas.
Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa ika-127 anibersaryo ng Philippine Army sa Capas, Tarlac na binasa ni Defense Secretary Gilbert Teodoro, saludo ang punomg ehekutibo sa katapangan na ipinamamalas ng mga sundalo.
“As we march onward to the Bagong Pilipinas that we aspire for, we need to transform our Army into a multi-mission-ready, cross-domain, and capable force that can effectively thwart emerging threats to our country’s stability and sovereignty” pahayag ni Pangulong Marcos.
“That is why we continue to boost our Army’s morale, efficiency, and responsiveness through continuous capacity-building initiatives, rigorous training and education activities, and other meritorious pursuits,” dagdag ng Pangulo.
Kasabay nito, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat din na paghandaan ang cybersecurity threats.
“Our ability to counter cyber threats is also of great importance. Given this emerging threat, I urge the Philippine Army to bolster its cybersecurity capabilities to keep up with the rapid technological advancements and help maintain the country’s security and stability,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“I hope that you will also adopt the lessons you have learned, the best practices you have gained from joint operations, and interactions with other major services of the AFP and our foreign defense counterparts,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Hindi nakadalo si Pangulong Marcos dahil tinamaan ng flu-like symptoms.
Pinayuhan ng doktor ang punong ehekutibo na magpahinga muna kung kaya kanselado ang mga public engagements nito. (DDC)