Pertussis outbreak idinekara sa Quezon City

Pertussis outbreak idinekara sa Quezon City

Nagdeklara ng outbreak ng Pertussis o Whooping Cough sa Quezon City dahil sa pagtaas ng kaso ng nasabing sakit sa lungsod.

Sa datos ng Quezon City LGU, mula Enero 2024 hanggang Marso 20, 2024 umabot na sa 23 ang naitalang kaso ng Pertusis sa sa lungsod kung saan apat na sanggol na ang nasawi.

Ang Pertussis ay isang impeksyon sa respiratory system na dulot ng Bordetella Pertussis bacteria.

Pangunahin itong nakakaapekto sa mga sanggol na wala pang 6 na buwang gulang at hindi pa ganap na protektado ng bakuna.

Naaapektuhan ng Pertussis ang respiratory system, at maaari itong makahawa ng iba.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na may mga nakalatag nang protocols at guidelines para maiwasan ang pagkalat nito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *