Finland muling itinanghal bilang “Happiest Country in the World”
Sa ikapitong sunod na taon, ang bansang Finland ang itinanghal bilang “Happiest Country in the World”.
Ito ay batay sa World Happiness Report ng Wellbeing Research Center sa University of Oxford.
Sa ginawang pag-aaral ay sinukat ang kasiyahan sa 143 na mga bansa batay sa kanilang GDP per capita, social support, health life expectancy, freedom, generosity at freedom of corruption.
Narito ang Top 10 na pinakamasayang mga bansa sa mundo:
1. Finland
2. Denmark
3. Iceland
4. Sweden
5. Israel
6. Netherlands
7. Norway
8. Luxembourg
9. Switzerland
10. Australia
Ayon sa pag-aaral, ang Finnish people ay mayroong strong sense of community.
Mayos din ang work-life balance sa Finland, gayundin ang kanilang environment quality.
Samantala, mula sa dating pang-labinglimang puwesto ay bumaba naman ang US sa number 23. (DDC)