Reklamong pangongotong laban sa traffic enforcer iniimbestigahan ng MMDA

Reklamong pangongotong laban sa traffic enforcer iniimbestigahan ng MMDA

Nag-iimbestiga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa reklamo ng isang motorista sa social media laban sa traffic enforcer dahil sa umano’y masamang gawain nito.

Iniutos din ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang agarang pagtanggal sa trabaho ng hindi pinangalanang traffic enforcer habang gumugulong ang imbestigasyon.

“We do not tolerate any form of corruption committed by our personnel. Anyone proven to have committed such crimes will be dealt with accordingly,” sabi ni Artes.

Nag-ugat ito sa reklamo na nakapaskil sa social media platform, sa sinasabing masamang aktibidad ng traffic enforcer. Sa naturang post ng nagrereklamong motorista, pinara at sinita siya ng enforcer noong Biyernes habang binabagtas ang Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil sa umano’y paggamit ng cellphone, hindi suot ang seatbelt habang nagmamaneho at paso o expired na ang registration ng kanyang kotse.

Hiniling umano ng traffic enforcer ang kanyang driver’s license at sinabihang kailangan siyang magbayad ng P15,000 kung ma-iimpound ang sasakyan nito.

Nagsabi ang motorista sa enforcer na wala siyang ganung halaga ng pera hanggang sa bumaba ito sa P5,000 at binanggit na mayroon siyang mobile wallet app.

Matapos ang serye ng diskusyon at sa atas ng traffic enforcer, nagpadala siya ng P2,400 gamit ang mobile wallet app.

Ibinahagi naman ng motorista at ipinost ang nangyari sa social media upang magbigay ng kamalayan kaugnay sa karanasan nito.

Sa sumunod na araw,nakatanggap ng tawag ang nagrereklamong motorista at ibinalik sa kanya ang pera at sinabihan din siyang idelete ang post nito sa social media bagay na hindi niya ginawa.

Nakipag-ugnayan ang MMDA sa motorista na isulong ang kanyang reklamo at tukuyin ang traffic enforcer.

Kasama niya sina MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas at MMDA Special Operations Group-Strike Force Officer-in-Charge Gabriel Go, positibong kinilala ng nagrereklamo ang traffic enforcer sa Traffic Discipline Office Commonwealth Special Traffic District Office na nangikil umano sa kanya ng pera.

Mariing itinanggi naman ng traffic enforcer ang paratang laban sa kanya.

Nang malaman ang insidente, sinabi ni Vargas na agad nagsagawa ng imbestigasyon ang MMDA laban sa traffic enforcer at ikinokonsidera ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban dito.

“The traffic enforcer will be asked to temporarily report at the MMDA Head Office in Pasig City while the investigation is ongoing,” ani Vargas.

Aniya hindi kukunsintihin ng MMDA ang masamang gawain ng mga tauhan ng ahensiyA kasabay ng panawagan sa publiko na isumbong ang mga ilegal na aktibidad na kanilang makakasagupa upang makagawa ng aksyon sa kanilang reklamo.

“Anyone who wishes to complain about illegal activities can report through the MMDA’s social media platforms and hotline 136. Identify the involved personnel and report them to us,” pahayag ni Vargas. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *