Critically endangered Philippine Eagel, nasagip sa Apayao

Critically endangered Philippine Eagel, nasagip sa Apayao

Nasagip ng mga otoridad ang isang critically endangered Philippine Eagle sa Kabugao, Apayao.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, nadiskubre ng isang 38-anyos na residente sa Kabugao, Apayao ang agila matapos itong mahulog sa isang bitag.

Agad naman itong isinalba at binigyan ng pagkain bago ipinagbigay-alam sa mga otoridad.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng Philippine Eagle Foundation ang agila at nakatakdang dalhin sa Laoag City, Ilocos Norte para masuri.

Titiyakin muna na ligtas at nasa maayos na kondisyon ang Agila bago ito tuluyang pakawalan at ibalik sa kaniyang natural habitat.

Ang lalawigan ng Apayao ay kinilala bilang sanctuary ng mga critically endangered Philippine Eagle sa bansa.
Taong 2015 nang madiskubre ang isang pugad ng Philippine Eagle sa naturang probinsya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *