Trekking activities sa Mt. Apo pansamantalang sinuspinde ng DENR
Dahil sa nararanasang El Niño phenomenon pansamantalang sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang trekking activities sa Mt. Apo Natural Park.
Ayon sa DENR, apektado na kasi ng dry spell ang trekking at camping sites sa Mt. Apo.
Sa anunsyo ng DENR-Davao, suspendido ang trekking activities sa Mt. Apo mula March 20 hanggang March 30, 2024, base sa resolusyon ng MANP-Protected Area Management Board Executive Committee.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga umaakyat sa Mt. Apo.
Layunin din nitong maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng bushfires.
Para sa mga adventurers na nakapagpa-reserve sa mga petsang sakip ng suspensyon, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang local organizers. (DDC)