Pangulong Marcos dadalo sa kauna-unahang United States-Japan-Philippines Trilateral Summit na gaganapin sa Washington
Bibiyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Washington, D.C. sa April 11, 2024 para sa kauna-unahang United States-Japan-Philippines Trilateral Summit.
Maitituring na milestone opportunity ang naturang summit para palakasin ang alyansa sa pagitan ng Pilipinas at US at ang Strategic Partnership sa Japan.
Makakasama ng pangulo sa nasabing summit sina President Joseph R. Biden, Jr. at Prime Minister Kishida Fumio.
Ayon sa Malakanyang, bibigyang-diin ng pangulo sa summit ang kahalagahan ng trilateral cooperation at matibay na ugnayan ng tatlong bansa.
Inaasahang matatalakay sa summit ang maritime cooperation, infrastructure development, economic resiliency, trade and investments, clean energy, climate, at maging ang cyber security ay digital economy.
Magkakaroon din ng pulong si Pangulong Marcos ay President Biden sa White House. (DDC)