Fire Paralympics and Inter-School Fire Olympics sa Taguig inilunsad

Fire Paralympics and Inter-School Fire Olympics sa Taguig inilunsad

Inilunsad ngayong Marso 19 ng Taguig City Government ang kauna-unahan nitong Fire Paralympics and Inter-School Fire Olympics ng Taguig Bureau of Fire Protection (BFP) na bahagi ng kanilang pagdiriwang sa Fire Prevention Month.

Kasabay nito, ipinamahagi naman ni Mayor Lani Cayetano ang firefighting vehicles at equipments sa Taguig BFP kabilang ang tatlong fire trucks, walong motorsiklo at kagamitang pamatay sunog na layuning paigtingin ang kakayahan ng mga bumbero at mapabilis ang pagresponde sa mga sunog at sakuna, sa isang simpleng seremonya sa Lakeshore TLC Grounds, Parking Area, Lower Bicutan, Taguig City.

Sinabi ng alkalde na pagpapakita ito ng kanilang kahandaan sa anumang uri ng sakuna kasama na rito ang baha at pagbagsak ng mga puno kung saan pinasalamatan din nito ang City Council sa pag-apruba sa pondo upang makapamahagi ang lokal na pamahalaan ng fire trucks at kagamitan sa Taguig BFP.

Personal na tinanggap ni Fire Marshall F/ Senior Supt. Eddie Tanawan ang mga nasabing donasyon mula sa lokal na pamahalaan at nagpaabot ng pasasalamat nito kay Mayor Cayetano.

Nabatid na umabot na sa 17 firetrucks ang naibigay ng Taguig LGU sa BFP ng lungsod.

Samantala ang Olympics ay dinaluhan ng mga miyembro ng Fire Brigade, kabataan, persons with disabilities (PWDs), at ng Bureau of Fire Protection Services na magsisilbing karaniwang lugar para sa Taguiguenos upang matuto ukol sa kamalayan sa sunog at kung paano ito maiiwasan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *