SPD nakahanda na sa ligtas at seguridad ng Holy Week 2024

SPD nakahanda na sa ligtas at seguridad ng Holy Week 2024

Habang papalapit na ang Holy Week 2024 o Semana Santa,nakahanda na ang Southern Police District (SPD) para siguruhin ang kaligtasan ng mga residente at mga bisita sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Sa mabusising pagpaplano at strategic deployment, magpapakalat ang SPD ng kanyang 5,769 na tauhan sa mahahalagang lugar na layuning magbigay ng mapayapang paggunita ng Semana Santa.

Ayon sa SPD ang presensiya ng mga pulis sa iba’t ibang lugar ay bilang epektibong pagtugon sa mga posibilidad na banta sa seguridad.

Nasa 334 na pulis ang ipapakalat sa mga simbahan para bigyang seguridad ang mga deboto sa panahon ng mga pagtitipong pangrelihiyon at 89 naman sa mga pangunahing lansangan para tumulong sa pamamahala sa daloy ng trapiko at tumugon sa ano mang maaaring mangyaring emergencies.

Habang babantayan naman ng 112 na pulis ang mga transport hubs at terminals na nasa nasasakupang lugar upang asistehan ang mga biyahero at panatilihin ang kaayusan doon.

Sa mga commercial areas tulad ng malls ay idedeploy naman ang 95 na oulis upang pigilan ang krimjnal na aktibidad at tiyakjn ang kaligtasan ng shoppers at business owners.

Itatalaga rin ang 296 PNP personnel sa iba pang lugar na inaasahang mayroong malaking pagtitipon, pagpapaigting ng security measures at pagsasaayos ng l crowd control.

Maglalagay din a SPD ng One-Stop-Shop Help Desks na mamandohan ng 39 personnel.

Sa karagdagan nasa kabuuang 2, 402 ang ipapakalat upang pagtuunan ang border control points, law enforcement checkpoints, foot patrols, mobile/motorcycle patrols, at implementasyon ng Red Team inspection, at Reactionary Standby Support Force para sa agarang deployment upang siguruhin ang maayos na pagresponde sa ano mang magaganap na mga sitwasyong pangseguridad.

Mananatiling pangunahing prayoridad ng SPD ang kaligtasan at seguridad ng publiko lalo na sa mga importanteng kaganapan gaya ng Semana Santa.

Sa pamamagitan ng proactive measures at kolaborasyon ng mga hakbang sa mga stakeholders, kumpiyansa ang SPD sa kanilang abilidad na magbigay ng seguridad sa mga kapaligiran para sa lahat sa pag-obserba sa panahon ng tahimik at mapayapang okasyon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *