Las Piñas City nagdiriwang sa tagumpay sa serbisyo publiko
Nagdiriwang ang Pamahalaang Lungsod sa mga tagumpay at napakahusay na kontribusyon ng ilang mahahalagang opisyal kasabay ng seremonya ng pagtataas ng watawat ng bansa sa bisinidad ng city hall kahapon.
Pinuri nina Vice Mayor April Aguilar at DILG-NCR Las Piñas City Director Patrick John Megia si City Chief of Police, Colonel Sandro Tafalla at kanyang team dahil sa katangi-tanging liderato sa Las Piñas City Police Station bunga ng matagumpay na police operations na nagbigay ng kaligtasan at kaayusan sa lungsod.
Ginawaran din ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang Barangay Almanza Uno na nagkampeon sa public safety preparedness sa idinaos na 11th Inter-Barangay Fire Olympics nitong Marso 16.
Ang naturang parangal ay sumasalamin sa pangako sa komunidad sa pagpapabuti ng pulisya sa kanilang pagtugon at kakayanan ukol sa kaligtasan sa sunog at kung paano ito maiiwasan.
Samantala,binigyang pagkilala ni Mayor Imelda Aguilar ang Business Process and Licensing Office sa pamumuno ni Ginoong Wilfredo Garlan dahil sa magagandang puna na natanggap mula sa mga Las Piñero para sa mabisa at epektibong mga serbisyo ng naturang tanggapan. (Bhelle Gamboa)