Mga Pinoy sa Haiti ligtas ayon sa OWWA

Mga Pinoy sa Haiti ligtas ayon sa OWWA

Walang Pinoy na naitalang nasawi sa kaguluhan na naganap sa Haiti.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), batay sa ulat mula sa Overseas Post, walang naitalang Pilipino na nasawi sa gitna ng patuloy na kaguluhan sa nasabing bansa.

Ayon sa OWWA, patuloy ang ginagawa nitong monitoring sa sa sitwasyon ng mga OFW na kasalukuyang naiipit sa gitna ng kaguluhan sa Haiti.

Una ng inaprubahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagtataas ng Alert Level 3 sa nasabing bansa para makapagpatupad ng voluntary repatriation.

Ayon sa Department of Migrant Workers at OWWA, mayroong 63 Filipinos sa Haiti unang nagpasabi na nais nilang umuwi ng bansa.

Ang mga uuwing Pinoy ay ibibiyahe sa pamamagitan ng chartered flight.

Mayroong 115 na Pinoy ang kasalukuyang naninirahan sa Caribbean island-nation.

Sa mga nais na mag-avail ng repatriation, maaaring tumawag sa embahada ng Pilipinas sa Washington DC.

Maaari ding magpadala ng e-mail sa mwo_washington@dmw.gov.ph (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *