Travel agency sa QC na sangkot sa illegal recruitment ipinasara ng DMW

Travel agency sa QC na sangkot sa illegal recruitment ipinasara ng DMW

Ipinahinto ng Department of Migrant Workers (DMW) ang operasyon ng isang travel agency sa Quezon City dahil sa pag-aalok nito ng bogus na trabaho sa Poland.

Sa pamamagitan ng Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) at pakikipag-ugnayan sa Quezon City police, isinilbi ang colusre order sa Tranvia Travel Agency sa P. Tuazon Boulevard sa Cubao.

Nagpasalamat si DMW Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac sa our Filipino Community sa Poland sa ginawa nitong pagbibigay ng impormasyon sa Migrant Workers Office sa Prague para maimbestigahan ang aktibidad.

Natuklasan ng MWO-Prague, na ang Tranvia Travel ay gumagamit ng social media platforms gaya ng Facebook at WhatsApp para makakuha ng aplikante.

Ayon sa DMW, walang lisensya o authority mula sa DMW ang naturang travel agency.

Nangangako ang kumpanya ng trabaho gaya ng warehousemen, factory workers, at nurses sa Poland na mayroon umanong sweldo na P80,000 hanggang P100,000.

Naniningil din ng P200,000
hanggang P350,000 na placement fee sa kanilang mga biktima.

Ayon sa DMW, ang mga opisyal at tauhan ng ay mahaharap sa kasong illegal recruitment at mapapasama sa “List of Persons and Establishments with Derogatory Record” ng ahensya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *