DILG bumuo ng task force sa kontrobersiya ng Chocolate Hills
Bumuo na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng task force na tututok sa imbestigasyon sa kontrobersiya ng Chocolate Hills sa Bohol.
Ikinabahala ng DILG sa konstruksiyon ng Captain’s Peak resort sa mga paanan ng mga burol ng tanyag at pinupuntahan ng mga turista ang Chocolate Hills sa nasabing lalawigan.
“We have mobilized a special investigation team to swiftly ascertain any liability of local officials in this matter,” sabi ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr.
Ibinabala pa ng kalihim na mahaharap sa mga kaukulang kaso at parusa ang mapatutunayang sangkot na mga lokal na opisyal.
“Local officials found complicit or negligent with respect to any violation will face legal action. These officials may be suspended or dismissed,” diin nito.
Ayon pa kay Abalos patuloy ang DILG sa pagtataguyod ng kanilang pananagutan at integridad sa serbisyo publiko. (Bhelle Gamboa)